
US Manufacturing Naghihintay sa Bagong ISM Data Matapos ang Isang Taon ng Magulong Readings
Mukhang magiging interesting ang galaw ng merkado ngayon dahil lalabas na ang pinakabagong US ISM Manufacturing PMI, isang report na madalas nagbibigay ng maagang signal kung lumalakas ba o humihina ang manufacturing sector ng Amerika.
Sa nakaraang 12 buwan, medyo roller coaster ang galaw ng PMI. May mga buwan na lumapit ito sa expansion territory, pero mas madalas itong nanatili sa ilalim ng 50 mark, na nangangahulugang may contraction pa rin sa manufacturing. Noong huling bahagi ng 2024, nakita ang ilang tanda ng pagbuti, pero pagpasok ng 2025, balik ulit sa paghina ang momentum dahil sa mas mahina na new orders at mas mabagal na production.
Sa mga nakaraang buwan, kahit may konting recovery sa ilang bahagi ng ekonomiya, hindi pa rin ganoon kalakas ang manufacturing. May mga reports na nagpapakitang lumalaban pa rin ang sektor, lalo na sa transportation equipment at ilang durable goods, pero hindi sapat para sabihin na tuloy tuloy na ang pagbalik ng lakas. Marami ring kumpanya ang mas maingat sa inventory at hiring kaya ramdam pa rin ang pagbagal.
Dahil dito, medyo mababa ang expectations ng analysts para sa release ngayong araw. Marami ang naniniwalang posibleng bahagyang tumaas ang PMI pero mananatili pa rin malapit sa contraction zone. Ang forecast ng ilang ekonomista ay nasa bandang mid 40a hanggang early 50s, ibig sabihin may chance na makakita tayo ng konting improvement pero hindi pa ito solid signal ng full recovery.
Kung mas mataas ang lalabas na numero kaysa sa inaasahan, puwedeng tumibay ang sentiment sa US dollar at equity markets dahil magmumukhang mas resilient ang American manufacturing kaysa sa inaakala. Pero kung mas mababa naman ito, lalo pang lalakas ang usapan tungkol sa economic slowdown at maaaring magdagdag ng pressure sa Federal Reserve na mas maging dovish sa mga susunod na buwan.
Sa ngayon, ang pinaka realistic na scenario ay isang bahagyang pag improve pero hindi pa sapat para sabihing tapos na ang paghina ng manufacturing sector. Ang mas mahalagang tanong ay kung magpapatuloy ba ang slow recovery o babalik ulit sa mas malalim na contraction sa susunod na mga buwan.
Analysis by Coach Angel
——
Disclaimer: Investing is risky. Investors should study the information before making investment decisions.
