
SNB Pinananatili ang Policy Rate Habang Binibigyang-diin ni Trump ang Epekto ng Tariffs sa Ekonomiya at Utang
Nagsara ang taon na may ilang mahahalagang desisyon mula sa mga central bank, kabilang ang pinakabagong update mula sa Swiss National Bank. Pinanatili ng SNB ang policy rate sa 0%. Ang sight deposits ng mga bangko ay patuloy na kikita sa policy rate hanggang sa isang itinakdang threshold, at ang sobra sa threshold ay may discount na 0.25%. Ipinakita rin ng SNB na handa silang kumilos sa foreign exchange market kung kinakailangan.
Bahagyang bumaba ang inflation sa Switzerland, mula 0.2% noong Agosto papuntang 0.0% noong Nobyembre. Malaking tulong dito ang pagbaba ng presyo sa hotel sector, renta, at damit. Kahit bumaba ito sa short term, halos walang nagbago sa medium term na pressure ng inflation. Inaasahan ng SNB na ang average inflation ay 0.2% sa 2025, 0.3% sa 2026, at 0.6% sa 2027. Lahat ng ito ay nasa loob pa rin ng price stability at nakabase sa assumption na mananatili sa 0% ang policy rate sa buong forecast period.
Humina ang Swiss economy sa third quarter, lalo na dahil sa pharmaceuticals sector. Tumaas ang production sa unang bahagi ng taon dahil pinaaga ng mga kumpanya ang shipments papuntang US bago pa man ang posibleng tariff changes. Pagkatapos nito, nagkaroon ng correction sa susunod na quarters. Ibang industriya at services ay bahagya lang ang itinaas kaya nanatiling mahina ang pangkalahatang growth at patuloy na umangat ang unemployment.
Kahit ganito ang lagay, bahagyang gumanda ang outlook ng Switzerland dahil sa mas mababang US tariffs at mas maayos na global conditions. Inaasahang tataas ang GDP ng halos 1.5% sa 2025 at nasa paligid ng 1% sa 2026, habang bahagyang tataas pa ang unemployment. Ang pinakamalaking risk para sa Switzerland ay nakapako pa rin sa galaw ng global economy.
Sinabi ng SNB na halos hindi gumalaw ang inflation pressure kumpara sa nakaraang quarter. Nananatiling supportive ang kanilang policy dahil sa mababang interest rates, credit growth, at epekto ng exchange rate. Inaasahan nilang dahan dahang tataas ang inflation habang nananatili sa loob ng stable range. Bukas din sila sa pag adjust ng policy kung kinakailangan, kabilang ang posibilidad na ibalik ang negative rates kung hihingin ng sitwasyon.
May ibang balita rin mula sa central banks. Sinabi ni Governor Bailey ng Bank of England na matibay pa rin ang financial standing ng UK households at companies. Binanggit din niya na kailangan pang ayusin kung gaano kalaki dapat ang reserves ng central bank at kung gaano kabilis dapat bawasan ang interest rate risk sa kanilang balance sheet.
Sa United States, sinabi ni President Trump na ang tariff revenue ay makakatulong para mabawasan ang national debt. Ayon sa kanya, regular siyang nakikipag usap kay President Xi ng China tungkol sa artificial intelligence, at nakikipag usap din sa China at Russia tungkol sa denuclearization. Ipinunto niya na bumuti na raw ang inflation na minana niya sa nakaraang administrasyon, bumababa na ang presyo at energy costs, at nasa record highs ang stock market.
Kinumpirma naman ng Federal Reserve na muling naitalaga ang lahat ng reserve bank presidents para sa panibagong term simula sa susunod na Marso, maliban kay Atlanta Fed President Raphael Bostic na dati nang nagpahayag ng retirement.
Sa kabuuan, nananatiling maingat pero matatag ang sitwasyon sa Switzerland. Mababa ang inflation, unti unting gumaganda ang economic outlook, at patuloy na nag aadjust ang mga central bank sa harap ng pabago bagong global risks at opportunities.
Analysis by Coach Angel
——
Disclaimer: Ang pag-iinvest ay may kaakibat na panganib. Dapat pag-aralan ng mga investors ang impormasyon bago gumawa ng anumang desisyon sa pamumuhunan.
