Economic Calendar

Mahina ang Pagbangon: Babala ng Fed sa Inflation Habang Muling Binuksan ang Gobyerno Pagkatapos ng Pinakamahabang Shutdown
Naglabas ng medyo magkahalong tono ang mga opisyal ng Federal Reserve kagabi habang pinag uusapan ang kalagayan ng ekonomiya. Mataas pa rin ang inflation at hindi rin ganoon katatag ang labor market. Ayon kay Hammack, sobra pa rin ang taas ng inflation at patuloy na gumagalaw pataas. Dagdag pa niya, aasahan pa ang dagdag pressure mula sa tariffs hanggang early next year bago ito humina. Kahit sinabi niyang broadly balanced pa ang labor market, aminado siyang ramdam na ang paghina sa hiring na nagiging hamon sa trabaho ng Fed. Binanggit rin niya na baka hindi na ganoon ka restrictive ang monetary policy ngayon, na parang masyadong maluwag pa ang financial conditions para mapalamig ang inflation.
Si Musalem naman, halos pareho rin ang pananaw. Sabi niya, nag aatubili ang maraming kumpanya dahil hindi malinaw ang data at outlook. Pero kahit may ganitong takot, para sa kanya ay matatag pa rin ang buong ekonomiya. Sa tingin niya, medyo mahina ang fourth quarter pero babawi ulit pagpasok ng susunod na taon dahil sa maluwag na financial conditions at deregulation. Nagbabala lang siya na kailangan maging sobrang ingat ng Fed, dahil kaunti na lang ang puwedeng igalaw sa easing nang hindi nagmumukhang sobrang accommodative. Aminado rin siyang sinusuportahan niya ang mga naunang rate cuts para protektahan ang labor market, pero ngayon ay halos neutral na ang policy.
Si Kashkari naman ay diretso ang sinabi, na masyado pang mataas ang inflation sa around 3%. May mga sektor din ng labor market na mukhang hirap na, kaya hindi malinaw ang direksyon ng ekonomiya. Si Brainard, dating Vice Chair ng Fed, ay nagsabi ring may mga “bitak” nang nakikita sa ilalim ng ekonomiya, lalo na dahil sa epekto ng AI na nagpapabilis ng trabaho pero nakakatanggal naman ng ibang positions. Kung siya ang tatanungin, pipiliin niyang magsuporta ng rate cut sa December dahil mas kinakabahan siya sa posibilidad na humina pa ang trabaho kaysa sa pansamantalang epekto ng tariffs. Sabi niya, natural namang mawawala ang impact ng tariffs sa susunod na taon, pero hindi madali ang papel ng Fed dahil pababa man ang inflation, hindi pa rin nito naaabot ang target.
Samantala, sa mas malaking usapan sa bansa, nilagdaan ni President Trump ang batas na nagtatapos sa 43 day government shutdown, ang pinakamahaba sa kasaysayan ng US. Ibig sabihin, balik operasyon ang mga federal agency, makakabalik ang mga empleyadong natanggal, at mababayaran nang buo ang mga nagtrabaho kahit walang sweldo. Sinisi ni Trump ang mga Democrat sa malaking pinsalang idinulot daw nito, pero ayon sa Congressional Budget Office nasa $14B lang ang naging epekto sa growth. Ang shutdown na ito ay dagdag pang patunay ng malalim na political divide habang sinusubukan pa rin ng ekonomiya humarap sa inflation at pabago bagong kondisyon sa trabaho at negosyo.
Sa kabuuan, malinaw na matigas pa rin ang inflation pero lumalabas na rin ang mga senyales ng paghina sa labor market. Ang Fed naman ay sinusubukang hanapin ang tamang balanse para hindi mag over tighten pero hindi rin maging kampante sa inflation. Dahil walang high impact economic data ngayong araw, malaki ang tsansang hindi ganoon kalakas ang galaw ng US dollar. Mukhang mananatili muna itong tahimik at range bound habang nilulunok ng merkado ang mga pahayag ng Fed at ang gulo sa politika. Sa ngayon, medyo hawak ng dovish tone ang market dahil sa pangamba sa trabaho at sa pag asang hihina na ang epekto ng tariffs sa susunod na taon, kaya maaaring limitado ang lakas ng USD sa short term.
Analysis by Coach Angel
——
Disclaimer: Investing is risky. Investors should study the information before making investment decisions.
