
Inaasahang Mananatiling Kalmado ang US Unemployment Claims Habang Holiday Mode ang Merkado
Ang lingguhang ulat ng US unemployment claims ay isa sa mga pinakaunang palatandaan kung kumusta ang labor market. Sa nakalipas na 12 buwan, ang jobless claims ay gumalaw pataas at pababa sa katamtamang paraan habang nag aadjust ang labor market ng US sa mas mabagal na paglago ng ekonomiya at sa epekto ng mga holiday. Sa unang bahagi ng taon, madalas mababa ang initial claims na senyales ng matibay na labor market. Habang papalapit ang katapusan ng taon, may mga panahong tumaas ang claims, na karaniwang inuugnay sa layoffs o seasonal na galaw. Noong unang bahagi ng Disyembre, bumaba ang bilang ng mga bagong naghain ng unemployment benefits kumpara sa nakaraang linggo at mas mababa pa sa inaasahan. Ipinakita nito na kahit may kaunting volatility, nananatiling matatag ang kondisyon ng labor market habang papatapos ang taon. Kasabay nito, nananatiling mataas ang continuing claims, na nangangahulugang mas maraming manggagawa ang mas matagal na umaasa sa unemployment support kahit pabago bago ang first time filings. Sa mas malawak na larawan, makikita rin na bahagyang tumaas ang unemployment rate sa huling bahagi ng taon at bumagal ang job growth kumpara sa mga naunang panahon. Pinapakita nito na ang labor market ay hindi biglang humihina, pero mas kalmado na at hindi na kasing bilis ng dati.
Para sa susunod na release, inaasahan na mananatili lang sa halos kaparehong antas ang unemployment claims at wala ring inaasahang malaking galaw. Karamihan sa forecasts ay nagsasabing maliit lang ang pagbabago pataas o pababa, na nagpapahiwatig na ang initial claims ay mananatili sa parehong hanay. Kapag lumabas ang datos na ganito, susuportahan nito ang pananaw na hindi biglang dumarami ang layoffs at na ang mga manggagawa ay patuloy na nakakahanap ng bagong trabaho kahit may mga kumpanyang nagiging mas maingat sa pag manage ng kanilang workforce dahil sa mas mabagal na ekonomiya. Mahalaga ring tandaan na ang lingguhang ulat na ito ay madalas naaapektuhan ng seasonal adjustments at timing ng mga holiday, kaya ang galaw mula isang linggo patungo sa susunod ay hindi laging malinaw na repleksyon ng tunay na demand sa trabaho. Kaya mas tinitingnan ng mga ekonomista ang average ng mga nakaraang linggo upang makita ang mas malinaw na trend, na sa ngayon ay nagpapakita ng bahagyang pag lamig pero hindi ng biglaang paghina.
May dagdag na konteksto rin ang ulat na ito dahil papatapos na ang taon. Maraming traders at bangko ang nasa holiday mode na, kaya mas mababa ang trading volumes at mas mahina ang reaksyon sa mga datos na karaniwan ay may mas malaking epekto sa merkado. Habang papalapit ang pagtatapos ng dalawang libo dalawampu’t lima at mas manipis ang liquidity sa financial markets, malamang na maging limitado ang galaw kahit may lumabas na datos sa unemployment claims. Karaniwan sa panahong ito ang pagiging maingat ng market participants, at marami ang mas pinipiling maghintay ng bagong taon bago gumawa ng malalaking desisyon. Dahil maaga at lingguhan ang indicator na ito, madalas ay mabilis pero panandalian lang ang epekto nito, at ngayong year end, inaasahang mas mahina pa ang magiging reaksyon.
Analysis by Coach Angel
——
Disclaimer: Ang pag-iinvest ay may kaakibat na panganib. Dapat pag-aralan ng mga investors ang impormasyon bago gumawa ng anumang desisyon sa pamumuhunan.
