Economic Calendar

Bago magdesisyon ang Bank of England (BoE) tungkol sa interest rate ngayong araw, medyo nagulo ang takbo ng merkado. Dati, maliit lang ang posibilidad na bababa ang rate — mga 12% lang — pero matapos lumabas ang pinakabagong datos ng inflation, tumaas ito sa halos 33%. Dahil dito, nagbago rin ang pananaw ng Goldman Sachs at sinabi nilang posible nang magkaroon ng 25-basis-point na bawas sa rate. Bumaba nang kaunti ang inflation sa 3.8% kumpara sa inaasahang 4%, kaya mas naging positibo ang tingin ng ilan. Pero kahit bumuti nang kaunti ang sitwasyon, mataas pa rin ito kumpara sa 2% natarget ng BoE.
Sa ngayon, mabagal ang takbo ng ekonomiya ng UK — halos walang galaw ang GDP sa 0.3%, bumababa ang mga job openings, at patuloy na tumataas ang utang ng gobyerno. Dahil dito, mas maingat ang BoE na magbaba ng rate agad, kasi baka mas humina pa ang halaga ng pound (na bumagsak na ng 2.6% noong Oktubre) at magdulot ulit ng dagdag na inflation. Kaya sa tingin ng karamihan, malamang hindi muna gagalawin ng BoE ang interest rate ngayong buwan, at baka hindi rin sa loob ng taon.
Ayon sa mga galaw ng merkado, may 33% posibilidad ng rate cut ngayong Nobyembre at 70% sa Disyembre. Pero karamihan pa rin ng mga eksperto naniniwalang baka sa unang bahagi pa ng 2026 maganap ang unang pagbawas. Bumaba rin ng kaunti ang kita sa mga government bond, pero ito ay mas dahil sa mga pangyayari sa ibang bansa kaysa sa mismong patakaran ng UK. Kung mananatiling pareho ang rate, posibleng manatiling halos pareho rin ang presyo ng bonds, at bahagyang bumaba kung tuloy-tuloy ang paghina ng ekonomiya.
Sa madaling sabi, steady lang muna ang takbo ng merkado. Kahit may mga umaasang magbababa na ng rate, hati pa rin ang mga miyembro ng BoE at mataas pa rin ang inflation. Kaya malamang hindi pa aangat nang malaki ang presyo ng mga bonds o stocks sa ngayon. Samantala, maaaring bahagyang humina pa
ang pound, habang naghihintay ang lahat ng mas malinaw na direksyon mula sa BoE. Ngayon, parang naghihintay lang muna ang merkado kung saan talaga tutungo ang ekonomiya.
Analysis by Coach Angel, RoboAcademy
——
Disclaimer: Investing is risky. Investors should study the information before making investment decisions.
