Maraming traders ang may parehong problema:
Kapag nakita nilang bumabasag ang presyo sa Support o Resistance level, mabilis silang pumapasok sa trade — akala nila, ito na ang “Golden Signal.”
Pero sa totoong trading, hindi ganun kasimple.
Madalas ang nangyayari ay False Breakout — ‘yung presyo biglang tataas o babagsak para malinlang ang mga traders na sumabay agad, tapos biglang magre-reverse. Ang resulta: talo, kahit tama naman ang basa sa trend.
Ngayon, ituturo ni Coach Mark ang isa sa mga paborito niyang strategies na ginagamit niya sa Gold at major currency pairs — ang Breakout & Retest Strategy.
Bakit Gumagana ang Strategy na ‘To?
Simple lang:
Kasi pinipilit tayong maghintay ng confirmation bago pumasok sa trade.
Hindi tayo agad magte-trade dahil lang nakita nating bumreak ang price sa zone.
Ang paghintay sa retest ay nagbibigay ng chance sa market na ipakita sa atin na,
“Legit itong zone na ‘to — malakas talaga.”
Kapag nag-retest at nag-hold ang zone, mas mataas ang chance na ‘yun na ang bagong base ng susunod na galaw ng presyo.
Step-by-Step: Paano Gamitin ang Break & Retest Strategy
1️⃣ Identify the Price Zone
Hanapin ang areas kung saan ilang beses nang nagre-reverse ang price — ito ang Support o Resistance zones sa H1 o H4 chart. Mas madalas ginagalang ng price ang zone, mas reliable ito.
2️⃣ Wait for the Breakout
Huwag agad pumasok pag may wick lang na lumagpas. Hintayin na mag-close ang full candle above (para sa breakout pataas) o below (para sa breakdown pababa). Ito ang senyales na klaro na ang buying o selling pressure.
3️⃣ Wait for the Retest
Pag bumalik ang price para i-test ulit ang dating zone, obserbahan kung magho-hold. Halimbawa: dati siyang Resistance, dapat ngayon ay maging Support. Kapag nag-hold, mas solid ang breakout signal.
4️⃣ Confirmation Entry
Huwag agad mag-entry sa unang touch.
Maghintay ng confirmation candlestick pattern tulad ng:
- Engulfing Candle
- Pin Bar
- Bounce sa Trendline
Ito ang mga “proof” na tama ang direction na gusto mong sabayan.
Setting SL at TP
🛡️ SL (Stop Loss):
Ilagay ng kaunti sa likod ng Retest Zone — para may buffer sa short-term volatility.
🔒 TP (Take Profit):
Gamitin ang next Support/Resistance bilang target,
o gumamit ng Risk-Reward Ratio na 1:2 pataas.
Para sulit ang kita kumpara sa risk na tinake mo.
Additional Tips 💡
✅ Mas epektibo ang Break & Retest sa trending market.
✅ Maging patient. Minsan, magbe-break ang price pero hindi na magre-retest — hayaan mo na ‘yun. Huwag habulin.
✅ Iwasan gamitin sa high-impact news events — kasi sobrang erratic ng galaw ng market, madalas false signals lang.
Summary
Ang Break & Retest Strategy ay mukhang simple, pero napaka-powerful kapag tama ang paggamit.
Tinuturuan tayo nitong maging mas disiplinado at pumasok lang sa mga trades na may mas mataas na probability ng success.
Sa trading, minsan ang pinakamagandang entry ay ‘yung matyagang inantay.
Article by Coach Mark, RoboAcademy
——
Disclaimer: Ang pag-invest ay may kasamang risk. Dapat pag-aralan ng mga investor ang impormasyon bago gumawa ng investment decisions.
