Blogs

Multi Timeframe Analysis: Paano Basahin ang Market sa Iba’t Ibang Timeframes

Multi Timeframe Analysis: Paano Basahin ang Market sa Iba’t Ibang Timeframes

Dec 11, 2025
Coach Mark

Sa article na ito, tutulungan tayo ni Coach Mark na maintindihan ang isang market analysis technique na kayang mag-improve ng trading accuracy — Multi Timeframe Analysis (MTA). Dito, tinitingnan natin ang market gamit ang iba’t ibang timeframe, parehong big picture at small picture, bago pumasok sa trade. Sa ganitong paraan, hindi lang tayo nakaasa sa isang TF, kundi nakikita natin ang main trend habang nakakahanap ng mas precise na entry points, kaya mas confident ang trade planning.

 

Bakit kailangan gumamit ng multiple timeframes?

Importanteng gumamit ng multiple timeframes dahil bawat TF ay may kanya-kanyang purpose. Ang higher timeframes ay para makita ang “overall direction ng market” at and lower timeframes ay para makita ang “detailed entry at exit points”. Nakakatulong ito para maiwasan ang pag-trade laban sa trend at para mas accurate ang decisions.

Karaniwang gamit ng bawat TF:

  • Higher TF (Daily / H4): para makita kung uptrend ba o downtrend ang market

  • Mid TF (H1): para ma-identify ang important zones tulad ng support, resistance, at mga lugar na nag-react ang price (POI)

  • Lower TF (M15 / M5): para maghintay ng candlestick signal o Price Action para sa pinaka-precise na entry at exit

 

Example

Halimbawa:

  • Sa Daily, malinaw na nasa uptrend ang market

  • Sa H1, nagpu-pullback ang price papunta sa support level

  • Sa M15, lumabas ang malinaw na reversal candlestick

Sa ganitong sitwasyon, mas logical at mas mababa ang risk kung mag-Buy following the main trend, kaysa makipagsapalaran sa countertrend na pwedeng humatak sa drawdown.

 

3-Step na Prinsipyo ng Paggamit

1. Simulan sa Higher TF para makita ang main trend (Daily / H4): Tingnan kung uptrend ba o downtrend ang main movement. Kung uptrend ang Daily, mas mainam na Buy setups lang ang hanapin at iwasan ang unnecessary countertrend trades.

2. Lumipat sa Mid TF para maghanap ng important zones (H1). Sa H1 timeframe, hanapin ang support at resistance o Price Reaction Areas (POI). Hintayin ang price na bumalik sa mga zone na ito bago maghanap ng entry signal sa mas maliit na TF.

3. Pumunta sa Lower TF para sa entry signals (M15 / M5) Kapag nag-test na ang price sa important zone mula sa higher TF at:

  • may M15 candle na nagre-reject

  • malakas ang bullish close

  • nagpapakita ng buying pressure

    Pwede na itong gamitin bilang Buy entry base sa Price Action. Huwag kalimutan mag-lagay ng SL sa ibaba ng major zone sa higher TF para ma-control ang risk.

 

Trading Styles gamit ang MTA

  

  • Conservative (low risk). Naghihintay ng malinaw na Price Action confirmation. Mas malapad ang SL, minsan hindi ganun kataas ang RR. Mas mataas ang confidence

  • Aggressive (high risk). Pumapasok agad pag tinamaan ang zone. Mas mataas ang RR at mas tight ang SL. Mas mataas din chance na ma-stop out

 

Mga Karaniwang Pagkakamali

  • Gumagamit ng sobrang maliit na timeframe (1 min / 30 sec) → sobrang daming noise, nakakalito

  • Nagmamadaling pumasok sa countertrend trade → halimbawa uptrend ang market pero nag Sell agad dahil may signal sa M15

  • Sobrang daming timeframes ginagamit → nalilito kung alin ang paniniwalaan. Mas ok ang 2–3 TF lang tulad ng H4 + H1 + M15.

 

Summary

Ang Multi Timeframe Analysis ay tumutulong sa traders na makita pareho ang big picture at ang importanteng detalye bago pumasok sa trade. Dahil dito, mas accurate ang market analysis, mas confident ang trading decisions, mas nababawasan ang risk ng countertrend trading, at mas maayos ang risk management. Kung gusto mong mas systematic at mas effective ang trading strategy mo, malaking tulong ang paggamit ng Multi Timeframe Analysis.

 

Artikulo ni Coach Mark, RoboAcademy

——

Disclaimer: Ang investing ay may kasamang risk. Dapat pag-aralan ng mga investors ang impormasyon bago gumawa ng anumang investment decision.

Share This Blog

Article Information

Published Date

Apr 8, 2026, 11:50:30 AM

Author

Coach Mark

Logo